My heart says

HOW DEEP IS OUR LOVE? HOW STRONG IS OUR HEART? 


Hello December 2,2011!

Honestly I'm torn between 2 killer feelings. Masaya ako. Oo. Masayang masaya. Shempre, 7th month namin ng boyfriend ko ngayon. Nag celebrate kami. Nag libot. Nag mall. Masaya kami. Ngayon. Kanina. Bago yung kanina tsaka basta haha! Masaya kami. Super enjoy. Fun. Fun. Fun.

Umaga palang kumpleto na ang araw ko, yung alam kong mag kikita kami ngayon araw, lalabas kami, mag ba-bus kami babyahe ng almost 1 and half hour ng tabi kami habang magkahawak kamay, kwentuhan, sutilan, kaladyaan, alaskahan. Masayang masaya na ko don ih.

So yun nga, sinundo niya ako dito sa bahay, pinag paalam niya ako kay papa na lalabas kami. Ohaaa! Pag dating dito sa bahay may inabot siya na agad naman kinadagdag sa ganda ng umaga ko.(I love you hon!)

This Bag will be my Forever Favorite and Forever LoveLove!

Sinamanan namin yung brother niya na bibili ng netbook. :) Me, kuya Jerson (Hi kuyaaaa!) and Frans (Hi boypren!) kumain kami sa Karate kid. :) Well nakakahiya man e sumabit lang ako sa lakad nilang dalawa (pakapalan na ng muka) hahaha! Sila dapat yung mag dedate. (Sarre!) Tapos yun nga, nag hanap lang kami ng bibilin ni Kuya Jerson, tapos after non, nag hiwalay-hiwalay na kami. Naglibot kami ni Frans. hoho! kapagod. Sinamanan ko bumili ng shoes si Frans.

Alam niyo ba yung feeling na, magkasama kayo sa mall, mag kahawak, or nakaalalay siya sa likod mo. Yung feeling na magaan? yung feeling na protected ka. Kinikilig ka, hindi mo maitago yung ngiti mo kasi masaya ka. Isa yan sa mga dahilan kung bakit kailangan kong pasalamatan si Emir Francis Señorin, dahil pinaramdam niya sakin yung ganun kagandang bagay. ang pasayahin ako ng sobra sa mga simpleng bagay lang. Naka-abot kami ng 7 months ng hindi ng babago o nababawasan yung pag mamahal, nadadagdagan pa! Alam ko ganun din naman siya. Oo, minsan nag kakatampuhan kami, nag aaway. Normal pa naman kaming tao, may mga pag kakaiba kaya minsan may mga hindi pagkakaintindihan(tama ba grammar ko?)  :)

Maghapon kami ng lakad-lakad, walang plano o hindi alam kung ano gagawin namin sa mall, maya't-maya nag tatanungan kung saan kami pupunta sa susunod, ano gagawin, Natapos yung araw paglibot namin sa mall ng nag iisip ano gagawin sa mall. (hahaha!) nag eenjoy lang kami ng ganon. Tapos binili namin mga parents namin ng Bibingkinitan, Pampalubag loob at mejo late kami umuweee hahahaha! After Malling, uuwe na kami, nag hintay kami ng matagal kasi wala kami masakyang bus pauwe. Antagaaaal namin nag hintay. Antagaaaaaal pero alam niyo, hindi ako naiinis kasi matagal, natutuwa pa nga ako kasi nadadagdagan yung time ko na makasama siya. Tapos ayun kainis may bus na. Nakatayo kami naka wedge pa naman ako ng mataas, parang nananadya puno kasi yung bus. Tapos nung bandang gitna naman na eh nakaupo na kami. Mag katabi kami. Kwentuhan.


.... Unti-unti akong napapaisip, nalulungkot at natatakot na malapit na kami makauwe, malapit ng matapos ang araw na to.Etooo na yun e! Kadalasan inaantok ako pag bumabyahe na kami  pauwe pero nung oras na yon HINDI.. Bigla ko kasi naisip pwedeng eto na yung huling beses ko na makasama siya sa bus. Makasama ng ganon, makahawak sa kamay niya. Kung hindi man pwedeng matagalan bago maulit. Lalayo na siya. Start na ng Ojt niya. After non mag intern na din siya agad sa Singapore, tapos magkakatrabaho, mag babago na ang lahat ng nakasanayang naming KAMI, nakasanayan kong KAMI,  gusto kong manulit sa oras pero ano ba ang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng pigilin yung oras at wala naman akong powers. Bigla akong nag sisi. Nag sisi ako kasi nung marami pa siyang oras nung mga nakaraang buwan 1st sem, sana hindi ako tumatanggi pag nag aaya siya mag mall, mag sm. Mga lakad. Kasi feeling ko ang tagal pa ng Ojt niya andami pa naming oras, pero ngayon feeling ko kulang pa yung mga yun. Parang gusto ko pa. Please? Pero wala  na ko magagawa, Inuna ko kaartehan ko ih. Kaya kung kayo, alam niyong lalayo kayo sa isa't-isa sulitin niyo na yung oras niyo magkasama. Maniwala kayo, kahit napakadaming oras na yung pinagsamahan niyo, kung Mahal niyo yung isa't-isa tapos may pagkakataong malalayo kayo sa isa't isa, manghihinayang kayo.'Sana nasulit ko' Kulang pa. Pag dating ng oras na aalis na siya. Lahat mag pa-flashback. Lahat.

Can i hold your hand and hug you tight? 
Can i keep you and never let you go?
Can i tell the world how lucky i am to have you in my life?
I want to be in your arms, where you hold me tight and never let me go.



Pag uwe namin sa bahay, hinatid niya kasi ako, alam kong malayo po yung uuwian niya. Malayo kasi yung bahay nila samin. Gabi na. Delikado. Pero feeling ko ang selfish ko, Ayaw ko pa siya pauwiin, ayaw ko pa humiwalay sa kanya. Andami kong ginawang alibi. mapatagal lang yung pag stay niya sa bahay. At nung gumagabi na nga talaga wala na ko choice kungdi hayaan na syang umuwe. Hinatid ko siya hanggang sa gate namin, yumakap ako, naiiyak ako, pero pinilit ko pigilin kasi ayoko namang umalis siya ng ganon itchura ko, ng ganon ako. Ayoko talaga humiwalay pa. Hinatid ko siya hanggang kanto namin. hindi ko mabitawan yung kamay niya. Alam niyo ba yung ganong pakiramdam? yung alam niyong bukas malayo na siya kaya ngayong hawak niyo yung kamay niya ang hirap bumitaw kasi alam mong mamimiss mo siya at matatagalan pa bago maulit ang mga ganong momento? Diba ang hirap?

Simula bukas, simula na din ng bagong hamon para samin, alam ko namang kaya namin. Mahirap. oo. Pero hangga't sinusubukan niyang mag work pa. Hindi ako bibitaw, Si God na ang bahala, nasa Kanya ang Tiwala namin.



Sony Ericson Walkman 'daw' haha! natuwa lang ako sa themes namin. :) parang couple phone kasi tgnan. :)) parehong Ericson tsaka same theme :)






videokeman mp3
First Love (Japanese Version) – Utada Hikaru Song Lyrics